Friday, September 6, 2013

UNTV CUP: PATULOY NA DINADAGSA NG MGA TAGA SUPORTA…

UNTV CUP:  PATULOY NA DINADAGSA NG MGA TAGA SUPORTA…
Patuloy na dinadgsa ng mga taga suporta ang UNTV CUP na ginaganap sa Ynares at Caruncho tuwing araw ng lingo, bawat kuponan ay may mga tagahanga at tagasubaybay din sa television.
Ito ang kauna-unahang Basketball League sa ating bansa na kung saan ang mga manlalaro ay ang ating Public Servants, mula sa kuponan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philhealth, Department of Justice (DOJ), Metro Manila Depelopment Authority (MMDA), Judiaciary at Congress-LGU
Ito ay proyekto nila Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon na naglalayong makatulong sa ating mga kapos-palad na mga kababayan, at upang mapag-kaisa ang iba’t-ibang sangay
Abangan natin ang Championship Game kung sino ang pinaka magaling ng team na magwawagi at mapupunta naman ang premyo ng paligang ito sa mga napili ng bawat kupunan na kanilang tutulungan,


NAPOLES NAKATULOG NG MAHIMBING SA KAMPO NG KAPULISAN




Si Janet Napoles, ang sinasabing mastermind sa likod ng P10 Bilyon pork barrel scam, ay nakatulog ng mahimbing sa ikalimang araw nya sa kampo ng mga pulis sa Laguna, ayon kay Superintendent  Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police noong Byernes.

 Ayon kay Sindac, si Napoles ay kumain ng itlog, meatloaf at kanin bilang almusal sa ikaw 6:30 ng umaga.
Ayon din sa opisyal ng PNP, nagkaroon ng routine medical check up si Napoles at ang kanyang blood pressure ay nasa 120/90 samantalang ang kanyang blood siugar ay nasa 139.

Noong mga unang araw ni Napoles sa kampo ng mga pulis, ay nagkaroon sya ng anxiety attack, ng pamamanhid ng mukha at ng hypertension.

Si Napoles, akusado sa pagtatayo ng mga pekeng NGO’s, ay tumatanggap ng pondo mula sa pork barrel ng mga kongresista, ay sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacanang noong Agosto 28 at inilipat sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Noong Agosto 29, inilipat mula sa Camp Crame tungo sa Makati City Jail at noong nakaraang araw, naghain sya ng petisyon sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 para mailipat sya mula sa city jail tungo sa ibang detention facility.

Noong Linggo, inilipat sya mula sa PNP tungo sa Fort Sto. Domingo, sa headquarters ng force’s elite unit ng Special Action Force.


.   

IBANG KLASENG SCHOLARSHIP PROGRAM: IPINAGKAKALOOB NIla BRO.ELI SORAINO AT KUYA DANIEL RAZON!!!

IBANG KLASENG SCHOLARSHIP PROGRAM:

IPINAGKAKALOOB NIla BRO.ELI SORAINO AT KUYA DANIEL RAZON!!!

PILIPINAS- Isa sa pinaka- pangunahing problema ng marami nating kababayan ay ang kakulangan sa pinansyal para makapag aral, napakaraming mga kabataan sa panahon natin ngayon na hindi man lang nakatungtong sa kolehiyo dahil sa walang pang tuition fee, walang pambiling uniporme, sapatos, mga gamit pang eskwela at maging ang pamasahe.
D agdag pa ang daing ng mga magulang ang taas ng bilihin sa mga merkado, bayarin sa kuryente, tubig, pambayad upa sa bahay, pambili ng gamot kapag nagkasakit at hirap ng buhay ngayon.
Hindi rin madaling makakita ng magandang  trabaho ngayon lalong-lalo na kung wala kang pinag aralan o di kaya’y hindi man lang nakatungtong ng kolehiyo dahil sa wala nang pampaaral.
Isa ito sa pangunahing inaalaala nila Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon, kung kaya’t ipinatayo nila ang La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga at sa Caloocan City, Metro Manila  na kung saan ay libre ang lahat…
Libreng tuition fee, libreng uniporme, libreng pagkain (Agahan at Tanghalian), libreng pamasahe para sa mga walang pamasahe, at higit sa lahat libre ang pag aaral ng Salita ng Dios, ang gagawin mo na lang ay magaaral kang mabuti.
Hindi rin pahuhuli ang paaralan pagdating sa mga pasilidad, dahil airconditioned ang bawat rooms, may auditorium na pwedeng magtanghal at magsagawa ng malaking gawain, wala ka ding makikitang naninigarilyo na mga estudyante at mgagrupo ng praternity.
At ako bilang mag aaral sa La Verdad Christian College, Caloocan City, masasabi ko na ibang klaseng scholarship program ito nila Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon dahil naranasan ko ang lahat ng mga bagay na ito…
TO GOD BE THE GLORY!!!