Friday, September 6, 2013

IBANG KLASENG SCHOLARSHIP PROGRAM: IPINAGKAKALOOB NIla BRO.ELI SORAINO AT KUYA DANIEL RAZON!!!

IBANG KLASENG SCHOLARSHIP PROGRAM:

IPINAGKAKALOOB NIla BRO.ELI SORAINO AT KUYA DANIEL RAZON!!!

PILIPINAS- Isa sa pinaka- pangunahing problema ng marami nating kababayan ay ang kakulangan sa pinansyal para makapag aral, napakaraming mga kabataan sa panahon natin ngayon na hindi man lang nakatungtong sa kolehiyo dahil sa walang pang tuition fee, walang pambiling uniporme, sapatos, mga gamit pang eskwela at maging ang pamasahe.
D agdag pa ang daing ng mga magulang ang taas ng bilihin sa mga merkado, bayarin sa kuryente, tubig, pambayad upa sa bahay, pambili ng gamot kapag nagkasakit at hirap ng buhay ngayon.
Hindi rin madaling makakita ng magandang  trabaho ngayon lalong-lalo na kung wala kang pinag aralan o di kaya’y hindi man lang nakatungtong ng kolehiyo dahil sa wala nang pampaaral.
Isa ito sa pangunahing inaalaala nila Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon, kung kaya’t ipinatayo nila ang La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga at sa Caloocan City, Metro Manila  na kung saan ay libre ang lahat…
Libreng tuition fee, libreng uniporme, libreng pagkain (Agahan at Tanghalian), libreng pamasahe para sa mga walang pamasahe, at higit sa lahat libre ang pag aaral ng Salita ng Dios, ang gagawin mo na lang ay magaaral kang mabuti.
Hindi rin pahuhuli ang paaralan pagdating sa mga pasilidad, dahil airconditioned ang bawat rooms, may auditorium na pwedeng magtanghal at magsagawa ng malaking gawain, wala ka ding makikitang naninigarilyo na mga estudyante at mgagrupo ng praternity.
At ako bilang mag aaral sa La Verdad Christian College, Caloocan City, masasabi ko na ibang klaseng scholarship program ito nila Bro.Eli Soriano at Kuya Daniel Razon dahil naranasan ko ang lahat ng mga bagay na ito…
TO GOD BE THE GLORY!!!



No comments:

Post a Comment