Friday, September 6, 2013

NAPOLES NAKATULOG NG MAHIMBING SA KAMPO NG KAPULISAN




Si Janet Napoles, ang sinasabing mastermind sa likod ng P10 Bilyon pork barrel scam, ay nakatulog ng mahimbing sa ikalimang araw nya sa kampo ng mga pulis sa Laguna, ayon kay Superintendent  Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police noong Byernes.

 Ayon kay Sindac, si Napoles ay kumain ng itlog, meatloaf at kanin bilang almusal sa ikaw 6:30 ng umaga.
Ayon din sa opisyal ng PNP, nagkaroon ng routine medical check up si Napoles at ang kanyang blood pressure ay nasa 120/90 samantalang ang kanyang blood siugar ay nasa 139.

Noong mga unang araw ni Napoles sa kampo ng mga pulis, ay nagkaroon sya ng anxiety attack, ng pamamanhid ng mukha at ng hypertension.

Si Napoles, akusado sa pagtatayo ng mga pekeng NGO’s, ay tumatanggap ng pondo mula sa pork barrel ng mga kongresista, ay sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacanang noong Agosto 28 at inilipat sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Noong Agosto 29, inilipat mula sa Camp Crame tungo sa Makati City Jail at noong nakaraang araw, naghain sya ng petisyon sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 para mailipat sya mula sa city jail tungo sa ibang detention facility.

Noong Linggo, inilipat sya mula sa PNP tungo sa Fort Sto. Domingo, sa headquarters ng force’s elite unit ng Special Action Force.


.   

1 comment: